Pagkatapas ng mining operations sa probinsya ng Marinduque sa unang yugto ng ika-21 siglo at pag-iwan nang nakatiwangwas sa mga ilog ng Mogpog at Boac bilang biologically dead, nanatiling makabuluhang at napapanahong usapin ang small-scale mining operations hanggang sa ngayon.
Nais iproblematisa ng papel na ito ang mga dynamics ng implementasyon ng dalawang mining act sa malakihan at maliitang pagmimina sa isang banda at mga konsiderasyong panlipunan at pangkalikasan sa kabila. Pagtutuunan ng pansin ang mga social movements at ang kanilang diskurso ng pag-unald sa kanayunan o rural development. Ang Marinduque ay magandang basehan para sa kabuhan ng bansa upang kapulutan ng aral at karansan. Ang tinatawag nating environmental cost lubhang mas mahal sa mga maliliit na probinsya o mga small-island province sa Pilipinas. Nais din bigyan ng pagkakataon ng papel ang iba-ibang tugon ng mga non-governmental organizations, simbahan at maging ng iba pang stakeholders sa usapin ng pagmimina sa probinsya. Sa huli, binibigyan ng daan ng papel ang mga perspektiba ng mga nakikilahok sa pagmimina kung tawagan ay kamote/ guerilla miners sa Marinduque.
Mahigit na sampung taon nang sarado ang malakihang pagmimina sa probinsya. Naitala nang ilang ulit sa kasaysayan ang disgrasya at pinsalang naidulot ng minahan hindi lamang sa probisnya o sa bansang Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang pag-unlad ay hindi ganap na naabot sa pamamagitan ng ganitong modelo kung kaya hindi natatapos dito ang paghahanap ng ibang paraan. Ang inaasahan ng mga tao pagkatapos nang pagmimina ay ibang modelo, naging popular at madaling sagot ang turismo hindi lang sa bayan ng Sta. Cruz kundi maging sa iba pang lugar ng bansa.
Pero hindi pa rin mabubura sa alaala ang bakas at lagim nang mangyari ang sakuna, kung titimbangin o ihahambing ang naging kapalit ng kaunalaran sa pagmimina mukhang madaling sabihin na mas mahal ang kabayaran kaysa naging benipisyo ng minahan.
Grade 4 pa lamang ako nang mangyari ang insidente nito, maliban sa palagiang brown-out at bagyo ang sumunod naman ang pagbaha kasama ang burak at tailings mula sa minahan.
Tumagal ng mga araw, linggo at buwan bago bumalik sa dati ang normal na kaayusan pero ang hindi na maibabalik ay ang pagkamatay ng Ilog ng Boac at mas naunang tinamaan, ang ilog ng Mogpog. Pero ano ba ang hindi nakikita sa larawan na ito? Kung mga taga-Boac o taga-Mogpog ang tatanungin, hindi mahirap na kunin ang kanilang opinyon at kahit sino pa ang tanungin mo ay nakakatiyak ako makakakuha ng parehong resulta, gusto nila mapasara ang minahan. Ayaw na nilang mabuksan ito kahit kelan, pero kung tatanungin naman ang ilang tao kung hindi man lahat sa bayan ng Sta. Cruz, malamang iba ang kanilang opinyon. Kung nasa memorya ng mga taga-bayan ng Boac at Mogpog ang lagim at pagkamatay, iba ang naaalala ng mga taga-Sta. Cruz.